Ipinagdiriwang namin ang aming mga matandang matatanda at ang mga nagmamalasakit sa kanila!

Maligayang pagdating sa Choice in Aging Platform ng Pag-aaral, pinapatakbo ng IEDEIA.

Mag-click sa isang kurso upang magpatala sa iyong LIBRENG kurso sa pagsasanay at upang simulan ang iyong paglalakbay sa pag-aaral.

SERYE NG KURSO

Matagumpay na Pag-aalaga sa Isang Kongregasyon na Setting

Sa California, tinatayang sa taon 2030, 1 sa bawat 4 na residente, o 25% ng populasyon sa buong estado, ay magiging 60 o mas matanda, na kumakatawan sa maraming iba't ibang kultura at karanasan. Maraming matatandang matatanda ang nagpahayag ng pagnanais na maging independiyente at manirahan sa kanilang sariling mga tahanan, o kasama ang kanilang mga pamilya, habang gumagamit ng mga setting ng pangangalaga sa pamamagitan ng mga programang pang-adulto Doon ka pumasok!

Susubukan ng serye ng kurso na ito ang pagbibigay ng de-kalidad at na-customize na pangangalaga sa pagsama-sama na paraan, na tinutugunan ang ilan sa mga hamon na maaaring harapin ng mga matatandang matatanda, at ang kahalagahan ng iyong papel sa pagtulong upang lumikha ng isang kapaligiran kung saan sila, at ikaw, mapanatili ang kanilang dignidad at nararamdaman na pangangalaga.

Magagamit at Paparating na Mga Kurso

Kurso 1: Pagkakaiba-iba, Ekidad, Pagsasama, at Kabilangan

Ang course na "Pagkakaiba-iba, Ekidad, Pagsasama, at Kabilangan" ay tutulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang impact ng pagkakaiba-iba sa pagbibigay ng pangangalaga sa mga matatanda na naninirahan sa California. Magsisimulang maunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng pagkakaiba-iba, ekidad, at pagsasama, gayundin ang iba pang makabuluhang terminology; ang impact ng mga social identities sa serbisyo at pangangalaga; pag-unawa sa implicit bias, kung paano ito ma-recognize at pamahalaan ang sarili natin; ang kahalagahan ng pagpapakita ng empathy sa paglilingkod at pangangalaga, at ang pangangailangang matutunan ang mga pagkakaiba sa kultura, na makakatulong na mapalawak ang ating awareness sa mga cutural experiences ng mga taong pinapahalagahan natin.

Segment
1

Pagtukoy sa Pagkakaiba-iba, Ekidad, at Pagsasama

Sa segment na ito, ire-review ng mga mag-aaral ang mga basic terminology ng Pagkakaiba-iba, Ekidad, Pagsasama, at Kabilangan, at i-identify ang mga posibleng paraan na ang ating mga pagkakatulad at mga pagkakaiba, ay nakaka-apekto sa pangangalagang ibinibigay natin. Mauunawaan ng mga mag-aaral kung paano ang ating unconscious o mga implicit biases ay maaring humantong sa kakaibang pagtingin sa mga taong may ilang mga naiibang pagkakakilanlan. Ire-review din ng mga participants ang mga common biases, na hinimok ng mga stereotypes, na sa kabuuan ay ginagawa ng mga tao at lipunan tungkol sa mga matatanda.
Segment
2

Pagbuo ng Kakayahang Pangkultura

Sa segment na ito, magsisimula ang mga mag-aaral sa pag-explore sa cultural awareness na nangangailangan ng pagiging sensitibo sa mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao, anuman ang kanilang shared backgrounds. Matututo ang mga participants ng mga tools na makakatulong na maunawaan ang mga cultural backgrounds at kasalukuyang mga practices ng mga matatanda upang makipag-ugnayan sa mas malalim na antas. Ang cultural humility ay kinabibilangan ng panghabambuhay na pag-aaral tungkol sa mga kultura ng ibang tao, na isang patuloy na proseso ng self-exploration at willingness na matuto.
Segment
3

Mga Etikal na Pamantayan ng Pangangalaga

Sa segment na ito, ang mga mag-aaral ay mag-e-explore kung paano maaaring ang ageism ay magpakita implicitly, na unconscious, o explicitly, na conscious, at ilang karaniwang bias na pag-uugali kahit na tinatrato ang lahat ng matatanda ng pareho. Ire-review din ng mga mag-aaral ang 3 categories ng pagbibigay ng etikal na pangangalaga. Ang mga mag-aaral ay mag-e-explore din ng mga paraan upang maging responsive sa magkakaibang mga cultural beliefs at practices, kung paano maging culturaly aware, at sensitive, gamit ang mapagkumbabang (HUMBLE) model, isang madaling maunawaan na framework.
Segment
4

Pangangalaga sa Iyong Magkakaibang Pangangailangan

Sa segment na ito, ang mga mag-aaral ay ii-explore ang 4 na components ng emotional intelligence, at mag-a-identify ng mga paraan upang epektibong mag-respond sa mga aksyon at damdamin ng mga program participants. Ang mga mag-aaral ay tutuklas ng mga pinakamabisang strategies upang harapin ang isang conflict habang ipinapakita na sila ay nagmamalasakit, at nais na maabot ang isang solusyon. Ang mga participants ay matututo ng isang practical approach upang mag-navigate at tumulong sa pag-resolve ng conclict sa paraang naka-focus sa paghahanap ng solusyon at may empathy gamit ang MMMG (LEAP) method.

Magpatala sa kursong ito ngayon!

Kurso 2: Mid to Late-Stage Alzheimer's

Ang course na "Matagumpay na Pag-aalaga sa Congregate Settings: Mid to Late-Stage Alzheimer's" ay partikular na idinisenyo para sa inyo na nagtatrabaho sa mga congregate care settings, tulad ng mga adult day programs, residential care facilities at assisted living. Ii-explore natin ang ating kakayahang magbigay ng epektibong pangangalaga sa isang trusting environment bilang pundasyong ginagamit natin upang pagyamanin at iangat ang buhay ng mga taong sumasailalim sa mga seryosong pagbabago na nagaganap sa kalagitnaan hanggang sa huling mga stages ng dementia.

Segment
1

Matagumpay na Pag-aalaga para sa mga Taong may Mid to Late-Stage Dementia

Sa segment na ito mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng dementia at mga karaniwang diagnosis para sa moderate hanggang sa severe stages ng dementia. Mauunawaan din ng mga mag-aaral kung paano magbigay ng epektibong suporta para sa mga individuals na lubhang naapektuhan ng dementia sa pamamagitan ng Concept of Emotional Guardianship.
Segment
2

Pagbuo ng Epektibong Mga Kasanayan at Teknik sa Komunikasyon

Sa segment na ito, ico-cover natin ang mga pangunahing katangian ng maunawaing komunikasyon o insightful communication, kapag nagtratrabaho kasama ang mga participants na may mid to late-stage dementia. Isasama sa ating focus ang Non-verbal Communication, mga Cultural Aspects at Epektibong Communication Strategies para sa Mahusay na Teamwork.
Segment
3

Paglikha ng Isang Supportive Environment sa mga Dementia Activity Programs

Ang segment na ito ay magfo-focus sa kung paano pinagsasama-sama ang emotional guardianship, communication, at teamwork upang matulungan kang magbigay ng isang mahalaga at nakakaengganyo na activity program. Sa section na ito, susuriin natin kung bakit ang pag-share ng mga activities nang sama-sama ay nasa puso ng paglikha ng kagalakan at connection sa bawat care setting para sa mga individuals na may dementia.
Segment
4

Paggamit ng Emotional Guardianship upang Magbigay ng Supportive Bathroom Assistance

Tutulungan ng segment na ito ang mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang role sa pagtulong sa mga participants sa paggamit ng banyo, na nagsisimula sa pagbuo ng trusting relationship na tutulong sa matagumpay na pagbibigay ng maselang serbisyong ito. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng gabay sa kung paano matagumpay na mag-provide ng intimate care sa mga may dementia sa positibong paraan.

Enroll in this course today!

Kurso 3: Pagbibigay ng Pangangalaga sa Loob ng Isang Multicultural Environment

Ang course na "Pagbibigay ng Pangangalaga sa Loob ng Isang Muticultural Environment" ay nagbibigay ng mga halimbawa ng lakas-ng-loob, kababaang-loob, at pag-unawa at kung paano lumikha ng pangmatagalang relasyon kung saan ang lahat ay maaaring malayang maging ganap ang kanilang sarili. Matututo ang mga mag-aaral mula sa mga dynamic na kababaihan na pundasyon ng paglikha ng isang welcoming, inclusive, at supportive environment. Ire-review natin ang mga tools, techniques, at mga thought-provoking questions na tinalakay sa buong three-course series, na idinisenyo upang hikayatin ang mga mag-aaral na magsimulang gumawa ng mga makabuluhang pagbabago.

Segment
1

Multicultural Humility na Humahantong sa Kabilangan

Sa segment na ito, tatalakayin natin kung bakit mahalagang tingnan ang mundo at ang mga taong nasa ating pangangalaga mula sa isang multicultural perspective. Matututuhan din ng mga participants na ang cultural awareness at cultural humility ay hindi nangangailangan na alam natin ang lahat tungkol sa bawat kultura, ngunit pinipilit tayo nitong kumilos, na humigit pa sa pagiging may alam lamang sa mga pagkakaiba ng kultura ng mga tao. Tatalakayin din natin ang Platinum Rule na nagsasabing, itrato ang mga tao sa paraang gusto nilang tratuhin sila; na sadyang nakasentro sa mga taong pinaglilingkuran natin at isinasaalang-alang ang kanilang mga natatanging cultural needs.
Segment
2

Pagsusuri sa Ating Serbisyo at Pangangalaga Gamit ang Isang Multicultural Lens

Sa segment na ito ay tatalakayin natin kung paano nakakatulong ang cultural competence sa pag-recognize at pag-address sa mga individual needs at preferences, gayundin sa mga kumakatawan sa mga kultura ng mga tao. Sa pamamagitan ng pag-incorporate ng mga muticultural knowledge, ang mga direct care professionals ay maaaring magbigay ng mas patas, magalang, at epektibong pangangalaga sa lahat ng mga pasyente, anuman ang kanilang cultural background. Ang mga mag-aaral ay mag-e-explore ng mga practical strategies tulad ng cultural competence training, developing personalized care plans, acknowledging cultural celebrations, at pag-encourage sa mga participants at kanilang pamilya na magbigay ng feedback.
Segment
3

Mga Aral na Natutunan Mula sa mga Multi-cultural Caregivers

Sa segment na ito maririnig natin ang isang expert sa pagtanda at matutuklasan kung ano ang personal na natutunan niya at ng iba pang tagapag-alaga mula sa masiglang komunidad na ito. Ang isang halimbawa ay, ang kagandahan sa multikulturalismo at kung paanong ang pagiging bukas sa mga kultura ng mga taong pinangangalagaan natin, ay makapagpapayaman sa ating buhay. Tutuklasin din ng mga mag-aaral ang tungkulin at mga responsibilidad ng pagiging ambassador para sa tumatandang komunidad at kumikilos bilang tulay sa pagitan ng matatanda at lipunan.
Segment
4

Pagsasalaysay ng Ating mga Kwento: Matagumpay na Pangangalaga para sa Multicultural Communities

Ang segment na ito ay magbibigay sa mga mag-aaral ng tatlong partikular na paraan upang makalikha tayo ng pakiramdam ng pagiging kabilang sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa iba. Makakarinig din ang mga mag-aaral mula sa mga kababaihan na gumawa ng mga natatanging sakripisyo, nagpakita ng hindi natitinag na commitment sa kanilang mga komunidad at naging mga halimbawa ng pagiging culturally competent sa pagpapakita ng dignidad at paggalang sa lahat. At sa wakas, isang recap na nagpapakita ng pinakamahalagang takeaways mula sa hindi pangkaraniwang programang ito.

Enroll in this course today!